Home
A Molested Butterfly's Meadow - November 10th, 2008 [entries|archive|friends|userinfo]

November 10th, 2008

Lupa: Nawala Parang Bula [Nov. 10th, 2008|04:40 pm]
Lumuwas ang nanay ko dito sa Maynila para tumulong sana sa nalalapit na kasal ng ate ko. Ilang araw pa lang sya nandito nang makatanggap ng long distance call mula sa aking tatay na naiwan sa probinsya. Tumawag ang tatay ko out of panic dahil may umaangkin daw sa lupa namin. Pinapauwi nya agad ang nanay ko dahil hindi nya daw alam ang gagawin.

Today nalaman namin na nawala na ngang tuluyan ang ilang taon na inalagaan at ginastusang land property. Sa kadahilanang hindi authenticated yung nagbenta sa ninuno ng tatay ko. Ganun lang kasimple.

Pampalubag-loob:
-Mas malas pa daw yung mga katabi dahil may nakapagpatayo na ng mga bahay tapos ngayon may umaangkin ng lupa nila. Buong subdivision yata kasi yung inaangkin ngayon.

-At buti na lang daw hindi naisip ibenta ng mga magulang ko yung lupa dahil kung nagkataon daw sila ang hahabulin, maaaring makasuhan at makulong.






Hay, wala sanang mga hassle na gaya nito kung matututo lang ang taong magshare at alisin ang konsepto ng "pag-aari".

Kung walang "possessions" walang "war"!

Imagine there's no countries- one world, one love lang!

Ang idealist ko!

Ok lang dahil sa mga idealist nagmumula ang pagbabago!

ZEITGEIST YEAAAH!!!
LinkLeave a comment

navigation
[ viewing | November 10th, 2008 ]
[ go | Previous Day|Next Day ]

Advertisement