| The Unwanted Child ( @ 2008-11-07 10:11:00 |
Soakin' Wet Bedtime Story
As i was trying to correct my bodyclock, I once again failed miserably. Takte, kala ko mabubuo ko na yung 8 hours na tuloy-tuloy na tulog SA GABI e bwakanang nagising nanaman ako sa madaling araw after 3 hours pa lang ng pagkakahiga. Ayaw na ulit ako dalawin ng antok kaya minabuti kong isindi muna ang computer. Tingin-tingin muna ng mga blog updates at sinubukan kong panoorin yung BBC documentary ng nadownload ko- The Life of the Buddha. Ilang minuto pa lang tumatakbo yung film nang nakaramdam nako ng antok. Pinatay ko na agad yung pc (promise hindi nako nagporn) dahil eto na, dumating na yung inaasam-asam kong sleepyness. Pagbalik ko sa kwarto tumambad na lang sakin ang- *drumroll*
2 INCHES NA BAHANG TUBIG!!! YEHEY!!!
*applause*
Anak ng... pag minamalas ka nga naman, bigla na lang magtutubig kwarto mo! Nagpanic ako dahil una kong naisip e nabasag yung 50 gallon-aquarium ko sa loob ng kwarto. Pumikit ako, huminga ng malalim, nagconcentrate, at sinabi ko sa sarili, "oras na ng critical thinking at investigation". Syempre una ko munang tinanggal ang mga nabasang gamit na sa kabutihang palad e puro box lang naman ng mga college readings at doodles ko... ay, nabasa din pala yung lumang laptop pero ok lang, halos wala naman nang pakinabang yun (pero bakit nasa floor nakalagay yun?). Ininspect ko na yung aquarium, sinilip at sinalat ang paligid, wala namang crack at wala namang tumutulo o basang parte. Pinansin ko ang taas ng lamang tubig, wala namang nabawas. Happy naman sa loob yung mga alaga kong ungodly creatures. Tumibay pa ang paniniwala kong hindi galing sa aquarium nang icalculate ko ang volume ng bahang tubig. Ginamit ko ang formula na:
v = l x w x h
v = 8.5 ft x 5.72 ft x 2 in
JOKE LANG. ANO AKO, ADIK?!
Basta, sigurado nako na hindi galing sa aquarium yung tubig. Napansin ko din na tagos yung baha sa kabilang kwarto- kwarto ng mga kasambahay ng tito ko. This time, naisip ko na na baka galing sa sirang tubo, may waterline kasi sa mga kwarto namin. Or baka nagfoam party lang yung mga maid.
Syempre kelangan ko nang i-drain yung baha. Kumuha ako ng timba at dustpan na pansalok. Habang kunwari sumasalok ako ng mga salmon sa ilog ng Alaska, sakto naman nagising ang kapatid kong papasok na sa opisina. Hayun, nagulantang sya sa eksena ng pagsasalok ko ng tubig sa kwarto. Nagkatinginan kami sa mata. Hindi sya umimik at naglakad na lang palayo pero sigurado akong tawang-tawa at tangang-tanga sya sakin sa ginagawa kong yun. Awkward moment.
Inikot ko ang vicinity para ituloy ang pagfifeeling CSI. Nakita ko yung isang maid ng tito ko at tinanong ko kung saan galing yung tubig. Sabi nya galing daw sa 2nd floor, tumutulo pa daw yung tubig sa mukha nila habang natutulog sila. Ayun namampala, galing sa taas. Confirmed na na walang naganap na foam party. Sinabi na daw sa tito ko para mapatawan na ng karampatang aksyon.
Nang matanggal ko na ang epic na volume ng tubig sa loob, itinuloy ko na ang naudlot kong tulog. In cunclusion, hindi naman uminit ang ulo ko sa nangyari. Gaano lang ba naman kadalas bahain ang kwarto mo...
O sha, having a credit card as my only weapon, i shall embark on a journey na to a majestic castle known as Megamall in the land of Ortigas. I shall search its dungeons and hopefully bring something back home. Something powerful, something magical. :)