| (no subject) |
[Oct. 8th, 2009|01:36 am] |
P1: kadire ka pa rin. yuck your trips! hahaha
P2: wag kang makulit, palagi ka na lang nandun. hindi ako natutuwa at interesado sa'yo at sa kahit anong tungkol sa'yo. higit sa lahat, hindi kita kilala at hindi pa tayo magkaibigan. |
|
|
| ? |
[Sep. 14th, 2009|12:25 pm] |
|
Makakapili ka nga ba ng kaibigan? Hindi naman e! |
|
|
| things I need to say to certain people bago pa ako magtae |
[Apr. 26th, 2009|04:24 pm] |
person 1: you overdo things. maybe you think it's cool but i think your friends are just good in kissing your ass. putangina hindi yan cool! never naging cool yan! para kang poser na kulang sa pansin! it irks me everytime. i think likeable ka naman, OA lang talaga mga pagpapapansin mo... ugh... mas ok ka kung umisteady ka lang, mas marami siguro matutuwa sayo... including me.
person 2: haven't you noticed? ambabaduy talaga ng hirit mo lately!... or di ko alam baka dati ka nang ganyan. di ka pa ba nakakahalata na lahat ng hinihiritan mo iniignore ka lang? kasi ang corny talaga friend. natatawa ako sa takbo ng utak mo, ang dami mong sablay na naiisip. minsan nakakagago na lalo pag nakakadamay na yang baluktod na wavelength nyang kukote mo. ang weird lang kasi ang galing mo naman sa ibang bagay... pero bakit nga ganyan ka mag-isip?! nakakatakot ka, seryoso...
the rest: ok kayong lahat! tama, ganyan lang, pakatotoo lang kayo. dito lang sa dalawa sa taas talaga ako nawiwierdohan... |
|
|
| (no subject) |
[Feb. 16th, 2009|01:05 pm] |

ALSO PERFORMING: JACK BLACK, FIO, and HILERA
Tickets will be sold at the venue - Php 150 with 1 free beer
Ride N' Roll Bar 59 Xavierville Ave., Loyola Heigths, Quezon City (Beside Xavierville Royale Condo.)
mobile: 09278440211 landline: 4337906 http://rideandrollbaby.multiply.com |
|
|
| Hell! I'm Tagging you! (from jajajas) |
[Jan. 26th, 2009|12:46 pm] |
here's the deal:
1. The first 5 people to respond to this post will receive something handmade/homemade by me.
2. My choice for you. - I will make no guarantees that you will absolutely love what I make you. - What I create will be just for you. - It will be done this year (exactly when, I am not sure, I'm quite a busybee!) - I will give no hints as to what it might be. - I reserve the right to create something extremely strange.
3. The catch: You need to post this in your journal as well. C'mon people. It's a new year. We can all afford to share a little creative wealth.
Send me your mailing address at: yellowmill@yahoo.com |
|
|
| First Entry of the Year |
[Jan. 2nd, 2009|10:59 pm] |
Happy new year sa lahat!
Back from a week-long holiday vacation sa probinsyuh! I'll be posting pics! 
naooverwhelm ako sa dami ng emails at updates, one week lang ako nawala eh!
no resolutions sa 2009, makes na lang:
make art!
make music!
make peace!
make moves!
make up!
make out!
make love! (asa...)
make lovely!
make nice!
makeover!
...
MAKE ME!!! 
|
|
|
| Wag Naman Kayung Harsh! |
[Dec. 14th, 2008|10:09 pm] |
>1. Tippi - On the first day of the Mango sale, the sister of my friend was looking around and picked up a dress when a woman at the counter
started screaming,”Put that down, that’s mine!” The sister of my friend looked up, looked at the woman up and down, raised an eyebrow, and replied, “Excuse
me. You are NOT a ’small’”
> 2. Maximo - A supervisor once told a worker who has difficulty in understanding instructions, “Ang ulo, hindi lang yan pinapatong sa leeg, ginagamit din yan sa pagiisip.”
> 3. Springturns - A friend told another friend, “Naku, magma-makeup muna ako, baka magmukha akong yaya mo.” The other friend replied, “Wag
na, magmumukha ka lang yaya ko na naka-makeup.”
> 4. Bennett - I told my then boyfriend during a fight, “Even on your smartest day, you’re not half as smart as I am on my dumbest!”
> 5. Riverbanks - “Ako, I was born beautiful. Ikaw, you were just born.”
> 6. Astroboy - A letter posted on a car windshield in UP: “Sir/madam, the parkng space that we have reserved is for the College Secretary, not
for you. Guard.”
> 7. Shining - When I saw friend I haven’t seen in a long time, she told me, “Grabe, lalo ka pang tumaba!” So I told her, “Ikaw din, lalo ka pang pumangit!”
> 8. Eylek - Pag sinisingitan ako sa pila, nagpaparinig ako. I say, “Ang pilang ito, according to beauty. Mga panget muna.”
> 9. Gorgeous Bitch - “Unlike you, tinuruan ako ng mga magulang ko na hindi pumatol sa may asawa.”
> 10. Jose de vengenge - From the movie She’s The Man: “Girls with an ass like mine don’t go out with boys with a face like yours.”
> 11. Joe - “Maliban sa mukha mo, ano pang problema mo?”
> 12. Anfernee - I once told an officemate who kept on bragging about
her new shoes, “Sale, right?”
> 13. Pong Pagong - I pointed a “7 items or less” sign to a clueless pasosyal at the supermarket. She bitchily answered, “I can read!” Sabay irap. So I shot back with, “I know, but can you count?”
> 14. Astroboy - “Tuwing nakikita kita, gusto ko mag-sorry sa eyes ko.”
> 15. Dru - “I’m sorry, I didn’t mean to be bitchy. It’s an involuntary reaction whenever I encounter ugly people.”
> 16. Astroboy - Man: “Hey baby, what’s your sign?” Woman: “Do not enter.”
> 17. Astroboy - Man: “how do you like your eggs in the morning?” Woman: “Unfertilized.”
> 18. Aeon- After receiving her pay slip and realizng how much she’s paying for tax, a sosyal officemate exclaimed, “Ang mga poor ba
nagbabayad din ng tax?”
> 19. Riverbanks - During a hike at Mt. Mayon, we had a maarte
companion. When we ran out of water, our guide got us some from a ntural spring. The maarte girl said, “Dini-drink ba yan?” I told her, “Bakit, sa inyo ba
ang water chinu-chew?”
> 20. Noel - Overheard from 2 kids talking. Kid 1: “Lahat tayo galing
kay Adam and Eve.” Kid 2: “Hindi yan totoo. Sabi ng papa ko, galing tayo sa unggoy.” Kid 1: “Hindi natin pinag-uusapn ang pamilya mo, kaya wag kang magulo!”
> 21. Loipogi - A friend told his officemate: “I’m impressed. I’ve never encountered such a small mind inside such a big head before.”
> 22. Pachuchay - Bading: (envying a girl na crush ng crush nya) “Isang butas lang ang lamang mo sa kin!”
> 23. ACER - I was staring at an ugly bystander in their street. The
ugly guy snapped, “Bakit ang sama mo makatingin?” I snapped back, “Eh bakit
ang sama mo tignan?”
> 24. Persh - A friend once told me, “Ang ganda mo!” I answered: “Thank you, sana ikaw rin…”
> 25. Jose de vengenge - I told this to an ex: “I must admit you brought religion to my life. I never believed in hell till I met you.”
> 26. Gorgeous Bitch - “When a cashier tells me she doesn’t have change, I say: “And…kaninong problema un?"
|
|
|
| Joke na Nagkatotoo |
[Dec. 3rd, 2008|07:07 am] |
Pinost ni Rommel Joson ito sa LJ. Naalala daw nya yung joke ko nung college na ang susunod na version ng Photoshop ay Kutchintashop. Heto ngayon ang putohan sa San Juan, ang Adobo Putoshop. Shet! Dapat nagpacopyright muna ako! Kaya kayo pacopyright nyo muna jokes nyo gaano man yan kacorny, hindi nyo masasabi...
|
|
|
| Bwakanangshet ka! |
[Nov. 24th, 2008|11:44 pm] |

Pinahirapan mo ako ng dalawang araw!
Pinagod mo ako ng dalawang maghapon!
Hindi mo ako pinatulog ng isang gabi!
...
Anyway, ayus na ang lahat. Napagastos lang ng konti na hindi kasama sa plano.
Good times na! Bring on the latest PC games!!! Bwahahaha!!! |
|
|
| Pagaya Pagaya Pagaya! |
[Nov. 18th, 2008|10:14 am] |
[A is for age:] 24
[B is for beverage of choice:] milk tsokoleyt. and beer! :D
[C is for career:] call center agent! haha! pokpok ako ngayon pero dream career ko talaga maging concept artist. pwede na rin siguro rockstar. wahahaha!
[D is for your dog's name:] huspy- the horny daschund na itinuring na askal buong buhay nya.
[E is for essential item:] two letters: PC
[F is for fond of what:] slacking off
[G is for favorite game:] malapit na ako bumili ng videocard at ang-aabang na ang mga hack and slash RPG installers ko!
[H is for home town:] Santiago City ang dangal ng Isabela, sa kaunlara'y nangunguna!
[I is for instruments you play:] guitar, bass guitar, 4-string harp ni paul torres, and a bit of harmonica. air drums din. :D
[J is for favorite juice:] grape ng tang! addictive yun pero nakakatakot yung kulay, para kang umiinom ng purple watercolor.
[K is for kids:] we'll get there. twins gimme twins! tapos habang lumalaki sila palagi ko silang icocompare sa isa't isa hahaha!
[L is for last hug:] si ate yata di ko na maalala... kung cyber hug di ko rin maaalala sa dami haha...
[M is for marriage:] what marriage? hehe
[N is for your nice traits:] i can keep my cool nowadays. hard training. haha
[O is for what overwhelms you:] ME. hahaha!
[P is for phobias:] the mentally ill. feeling ko talaga sasaktan nila ako.
[Q is for quote:] pinakarecent na nagustuhan ko ay "passion is when you can't but you will". hindi ko naman ma-apply hahaha!
[R is for biggest regret:] my entire highschool life. hahaha!
[S is for unforgettable story] mga true honest stories ninyong lahat na nashare nyo ng buong puso sakin! :) [T is for your favorite time of the day:] sunrise! iba talaga epekto ng sunrise sakin, para akong ipinapanganak muli!
[U is for unusual things you did/do:] make an artwork? hahahaha! rarity na yung ngayon!
[V is for vegetable you love:] nilagang okra na isasawsaw sa suka't bagoong! yun ang fine dining!
[W is for worst habit:] messing up my bodyclock pero nacorrect ko na. *congratulates self*
[X is for x-ray result:] normal naman. wala naman akong bulitas hehe...
[Y is for yummy food you make:] anything breakfast
[Z is for zodiac sign:] oh! i'm the great crab and beware of my great emotional constipations! i'm working on it naman, promise. kahit labag sa personality ko hahaha!
chinese zodiac: rat and this year is just lucky! *hawak sa tenga, taas ang kamay, wave* (sayaw ng just got lucky) |
|
|
| Hahaha Masyadong Makulit 'to! |
[Nov. 11th, 2008|04:24 pm] |
Shock rock band GWAR on Jerry Springer Show! PANALOW!
Ipinakain nila si Jerry Springer sa tremor hahaha!
|
|
|
| Lupa: Nawala Parang Bula |
[Nov. 10th, 2008|04:40 pm] |
Lumuwas ang nanay ko dito sa Maynila para tumulong sana sa nalalapit na kasal ng ate ko. Ilang araw pa lang sya nandito nang makatanggap ng long distance call mula sa aking tatay na naiwan sa probinsya. Tumawag ang tatay ko out of panic dahil may umaangkin daw sa lupa namin. Pinapauwi nya agad ang nanay ko dahil hindi nya daw alam ang gagawin.
Today nalaman namin na nawala na ngang tuluyan ang ilang taon na inalagaan at ginastusang land property. Sa kadahilanang hindi authenticated yung nagbenta sa ninuno ng tatay ko. Ganun lang kasimple.
Pampalubag-loob: -Mas malas pa daw yung mga katabi dahil may nakapagpatayo na ng mga bahay tapos ngayon may umaangkin ng lupa nila. Buong subdivision yata kasi yung inaangkin ngayon.
-At buti na lang daw hindi naisip ibenta ng mga magulang ko yung lupa dahil kung nagkataon daw sila ang hahabulin, maaaring makasuhan at makulong.
Hay, wala sanang mga hassle na gaya nito kung matututo lang ang taong magshare at alisin ang konsepto ng "pag-aari".
Kung walang "possessions" walang "war"!
Imagine there's no countries- one world, one love lang!
Ang idealist ko!
Ok lang dahil sa mga idealist nagmumula ang pagbabago!
ZEITGEIST YEAAAH!!! |
|
|
| Soakin' Wet Bedtime Story |
[Nov. 7th, 2008|10:11 am] |
As i was trying to correct my bodyclock, I once again failed miserably. Takte, kala ko mabubuo ko na yung 8 hours na tuloy-tuloy na tulog SA GABI e bwakanang nagising nanaman ako sa madaling araw after 3 hours pa lang ng pagkakahiga. Ayaw na ulit ako dalawin ng antok kaya minabuti kong isindi muna ang computer. Tingin-tingin muna ng mga blog updates at sinubukan kong panoorin yung BBC documentary ng nadownload ko- The Life of the Buddha. Ilang minuto pa lang tumatakbo yung film nang nakaramdam nako ng antok. Pinatay ko na agad yung pc (promise hindi nako nagporn) dahil eto na, dumating na yung inaasam-asam kong sleepyness. Pagbalik ko sa kwarto tumambad na lang sakin ang- *drumroll*
2 INCHES NA BAHANG TUBIG!!! YEHEY!!!
*applause*
Anak ng... pag minamalas ka nga naman, bigla na lang magtutubig kwarto mo! Nagpanic ako dahil una kong naisip e nabasag yung 50 gallon-aquarium ko sa loob ng kwarto. Pumikit ako, huminga ng malalim, nagconcentrate, at sinabi ko sa sarili, "oras na ng critical thinking at investigation". Syempre una ko munang tinanggal ang mga nabasang gamit na sa kabutihang palad e puro box lang naman ng mga college readings at doodles ko... ay, nabasa din pala yung lumang laptop pero ok lang, halos wala naman nang pakinabang yun (pero bakit nasa floor nakalagay yun?). Ininspect ko na yung aquarium, sinilip at sinalat ang paligid, wala namang crack at wala namang tumutulo o basang parte. Pinansin ko ang taas ng lamang tubig, wala namang nabawas. Happy naman sa loob yung mga alaga kong ungodly creatures. Tumibay pa ang paniniwala kong hindi galing sa aquarium nang icalculate ko ang volume ng bahang tubig. Ginamit ko ang formula na:
v = l x w x h
v = 8.5 ft x 5.72 ft x 2 in
JOKE LANG. ANO AKO, ADIK?!
Basta, sigurado nako na hindi galing sa aquarium yung tubig. Napansin ko din na tagos yung baha sa kabilang kwarto- kwarto ng mga kasambahay ng tito ko. This time, naisip ko na na baka galing sa sirang tubo, may waterline kasi sa mga kwarto namin. Or baka nagfoam party lang yung mga maid.
Syempre kelangan ko nang i-drain yung baha. Kumuha ako ng timba at dustpan na pansalok. Habang kunwari sumasalok ako ng mga salmon sa ilog ng Alaska, sakto naman nagising ang kapatid kong papasok na sa opisina. Hayun, nagulantang sya sa eksena ng pagsasalok ko ng tubig sa kwarto. Nagkatinginan kami sa mata. Hindi sya umimik at naglakad na lang palayo pero sigurado akong tawang-tawa at tangang-tanga sya sakin sa ginagawa kong yun. Awkward moment.
Inikot ko ang vicinity para ituloy ang pagfifeeling CSI. Nakita ko yung isang maid ng tito ko at tinanong ko kung saan galing yung tubig. Sabi nya galing daw sa 2nd floor, tumutulo pa daw yung tubig sa mukha nila habang natutulog sila. Ayun namampala, galing sa taas. Confirmed na na walang naganap na foam party. Sinabi na daw sa tito ko para mapatawan na ng karampatang aksyon.
Nang matanggal ko na ang epic na volume ng tubig sa loob, itinuloy ko na ang naudlot kong tulog. In cunclusion, hindi naman uminit ang ulo ko sa nangyari. Gaano lang ba naman kadalas bahain ang kwarto mo...
O sha, having a credit card as my only weapon, i shall embark on a journey na to a majestic castle known as Megamall in the land of Ortigas. I shall search its dungeons and hopefully bring something back home. Something powerful, something magical. :) |
|
|
| I don't usually say this but... |
[Nov. 6th, 2008|01:33 pm] |
I LOVE YOU FRIENDS!
childhood friends school friends cyber friends friends from work rare friends *kindat* random friends
i have always considered you my family. hindi dugo ang batayan.
wala lang, masaya lang ako today dahil narealize ko ang dami nyo at ang dami nyong naitulong sakin. ang swerte ko. at ang swerte nyo! hahaha!
gusto kong maging si lastikman at i-hug kayong lahat ng sabay-sabay.
gusto kong magholding hands tayong lahat at tumakbo pababa sa isang burol somewhere in tagaytay.
gusto kong magkantahan tayong lahat ng mga "friend songs" nang acapella.
gusto kong magsayawan tayong lahat ng mga 90's dance hits. supersonic, lambada, macarena, get down, i saw the sign, lahat!
gusto kong mag-inuman tayong lahat sa beach isang gabi at mag-abang ng mga bulalakaw sa kalangitan at sabay-sabay nating mamasdan ang pagsikat ng araw kinaumagahan. tapos holding hands ulit. tapos taya-tayaan na sa tubig!
hindi ako magsasawang umubos ng oras kasama ninyo. sana ganun din kayo sakin. :) |
|
|
| Watch Zeitgeist and Zeitgeist: Addendum Now! |
[Oct. 31st, 2008|12:54 pm] |
Zeitgeist is a German language expression literally translated: Zeit, time; Geist, spirit, meaning "the spirit of the age and its society". The word zeitgeist describes the intellectual, cultural, ethical and political climate of an era or also a trend.
What does Christianity, 911 and The Federal Reserve have in common? Zeitgeist was created as a not for profit expression to inspire people to start looking at the world from a more critical perspective and to understand that very often things are not what the population at large think they are.
My sister once asked me, "Bakit hindi na lang sila gumawa ng maraming pera para wala nang problema?" My answer was simple , "Dahil mawawalan ng value ang lahat.". i was unsure at that time but the second film Zeitgeist: Addendum cleared things up for me. Plus it assured me that it's just right to celebrate my love for technology and the internet. :D
The second film, Zeitgeist: Addendum, attempts to locate the root causes of pervasive social corruption, while offering a solution. This solution is not based on politics, morality, laws, or any other "establishment" notions of human affairs, but rather on a modern, non-superstitious based understanding of what we are and how we align with nature, to which we are a part. The work advocates a new social system which is updated to present day knowledge, highly influenced by the life long work of Jacque Fresco and The Venus Project.
Both films I think are basically expounding John Lennon's song "Imagine". ;p
Watch it with an open mind and heart to absorb and digest its message.
WATCH BOTH FILMS HERE. IT'S FREE: www.zeitgeistmovie.com
|
|
|
| navigation |
| [ |
viewing |
| |
most recent entries |
] |
| [ |
go |
| |
earlier |
] |
| |
|
|